Wednesday, March 23, 2011

Ang pink carinderia



Mga Benildyano! Naghahanap ba kayo ng makakainan?

Bakit hindi ninyo i-try ang pink carinderia sa kahabaan ng Leon Guinto Street sa likod ng DLS-CSB Taft campus.

Itong karinderya na nagngangalang “Regina’s”, ay naitayo noong 1990. May dalawa itong palapag, tamang-tama lang para sa buong barkada. Pakiramdam mo, nasa bahay ka lang! Feel at home ka dito, sa kulay nitong pink at white na nagdudulot para makapag-relax ang mga customers, electric fans para sa mainit na tanghali at mga bintana na nagbibigay nang sapat na ilaw galing sa labas.

Ang masayang kainan na ito ay pagmamay-ari ni Ate Regina na may mainit na pagtanggap sa mga taong pumapasok sa kainan nila. Kinakabisado niya pa nga ang mga pangalan ng mga customer na bumabalik. Lahat ng pagkain nila ay lutong-bahay at ang kanilang specialty ay ang pork steak ngunit ang paborito ko ay ang kanilang pork chop, ang pinaka-simpleng pagkain na kanilang niluluto pero sa tingin ko, ito ang the best lalo pa't ketchup at toyomansi ang sawsawan.


Ang presyo ng kanilang mga tinda ay pumapatak sa 40 hanggang 55 pesos lamang!

Nag-seserve rin sila ng libreng sabaw na sobrang sarap. Ako at ang aking mga kaibigan ay madalas na bumabalik dito dahil sa mabibilis at mga mababait na servers.

Mayroon ding libreng Frutos candies na maaaring kunin mula sa maliit na lalagyang babasagin bago ka umalis sa karinderya nila. Iminumungkahi ko na kumain kayo rito dahil ang sandaling pananatili ko sa DLS - CSB ay hindi makukumpleto nang hindi ko nakilalaang Ate Regina’s. “Sulit” ang eksaktong salita sa lugar “Where everybody’s happy”.

No comments:

Post a Comment